Ang paggamit ng kwentong bayan sa paglinang ng pagunawa sa pagbasa
요약
Ang pag-aaral na ito ay may layuning alamin ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa. Ginamit ang flashcard bilang kagamitang panturo na kinapapalooban ng mga bokabularyong salita. Ang pananaliksik ay naglalayong tukuyin ang antas ng pag-unawa na literal, inferensyal, at ebalwatib ng mga mag-aaral bago at pagkatapos gamitan ng kagamitang panturo. Isinagawa ang pag-aaral noong Marso, 2024 sa isang mababang pampublikong paaralan sa lungsod ng Iloilo. Binubuo ng dalawampu’t anim (26) na bilang ng mga mag-aaral na boluntaryong napili ng kanilang guro na maging kalahok sa pag-aaral. Gumamit ng pre-experimental na disenyo ng pananaliksik, one group, tested twice upang sukatin ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa ng kwentong bayan. Ginamit ang inihandang pagsusulit ng mga mananaliksik batay sa paksang-aralin ng guro at pinasagutan ito sa mga mag-aaral upang tukuyin ang kanilang antas sa pag-unawa sa pagbasa ng kwentong bayan bago at pagkatapos ipinagamit ang mga flashcard. Batay sa resulta ng pag-aaral, ipinakita na ang antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa kwentong bayan ay bihasa at may makabuluhang pagkakaiba bago at pagkatapos ng interbensyon. Iminungkahi ng pananaliksik na gamitin ang flashcard na naglalaman ng mga bokabularyo sa pagtuturo ng pagbasa ng kwentong bayan.
기술
Abstract only
추천 인용
Bolatin, G. M. M., Salvadico, R. A. G., & Sumbo, C. M. O. (2024). Ang paggamit ng kwentong bayan sa paglinang ng pagunawa sa pagbasa [Unpublished bachelor's thesis]. Central Philippine University.
유형
Thesis주제
학과
College of Education정도
Bachelor of Secondary Education major in Filipino선반 위치
LB 2326.3 .B65 2024
물리적 설명
xii, 114 leaves
Collections
- Theses [21]

