Ang paggamit ng pinatnubayang pagbasa-pinatnubayang pag-iisip (Directed reading-thinking activity) sa paglinang ng pag-unawa sa pagbasa
요약
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtukoy ng kabisaan ng paggamit ng “Pinatnubayang Pagbasa - Pinatnubayang Pag-iisip" o Directed Reading Thinking Activity (DR-TA) na estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa sa mga mag-aaral na nasa Ikaanim na Baitang ng pampublikong elementarya ng Taong-Panuruan 2023-2024. Ang pre-experimental na disenyo ng pananaliksik ay ginamitan ng pretest-posttest na disenyo ng pag-aaral. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay binubuo ng isang seksyon ng mga mag-aaral na nasa ikaanim na Baitang sa asignaturang Filipino. Ang datos ay kinalap sa pamamagitan ng pagsusulit para sa pretest at posttest na ginawa ng mga mananaliksik at sumailalaim sa balidasyon at reliability. Ginamit ang Mean, Standard Deviation, at Wilcoxon Signed-Rank Test bilang mga istadistikang kagamitan. Lumabas sa pag-aaral na nasa katamtamang lebel ng pag pag-unawa sa pagbasa ang mga mag-aaral na nalantad sa tradisyunal na pamamaraan bago ginamit ang DR-TA. Pagkatapos ng pagkakalantad sa pamamaraang DR-TA, ang mga mag-aaral ay may mataas na lebel ng pag-unawa sa pagbasa. Dagdag pa rito, nasuri sa pag-aaral na mayroong makabuluhang pagkakaiba sa lebel ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag- aaral bago at pagkatapos gamitin ang DR-TA na interbensyon. Ang resulta ay nagpapakita na ang paggamit ng DR-TA bilang pamamaraan sa pagpapaunlad ng lebel ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral ay epektibo.
기술
Abstract only
추천 인용
Corcino, I. C., Jabao, M. G. M., & Modesto, C. D. D. (2024). Ang paggamit ng pinatnubayang pagbasa-pinatnubayang pag-iisip (Directed reading-thinking activity) sa paglinang ng pag-unawa sa pagbasa [Unpublished bachelor's thesis]. Central Philippine University.
유형
Thesis주제
Reading (Elementary)--Activity programs
; Reading comprehension--Study and teaching (Elementary)
; Thought and thinking--Study and teaching (Elementary)
; Language arts
; Teaching--Methodology
; Education, Elementary
; Reading--Evaluation
; Group reading
; Reading--Remedial teaching
; Reading--Ability testing
; Educational innovations
; Constructivism (Education)
; Reading--Psychological aspects
학과
College of Education정도
Bachelor of Secondary Education major in Filipino선반 위치
LB 2326.3 .C67 2024
물리적 설명
xi, 176 leaves
Collections
- Theses [21]

