Editoryal kartun bilang pantulong sa pagtuturo sa pag-unawa ng kaisipan sa binasa

Page views
265Date
2024-05Thesis Adviser
Defense Panel Chair
Share
Metadata
Show full item record
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay may layuning matuklasan ang antas sa pag-unawang inferensyal ng mga mag-aaral sa pagbasa. Sa pag-aaral na ito ginagamit ang editoryal kartun bilang pantulong sa pag-unawa ng kaisipan ng bawat mag-aaral sa kanilang binabasa. Dito matutukoy ang bawat kahinaan ng mga mag-aaral na dapat nating isaalang-alang para namabigyang lunas ang ganitong suliranin.Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kwantitatibong disenyo ng pananaliksik sa pag-aaral na ito. Sa paglikom ng datos ang mga mananaliksik ay nakakuha ng datos na ginanap sa pampublikong paaralan at ang mga kalahok ay nasa ikaapat na baitang na isang seksiyon na mayroong 16 na mag-aaral na kung saan 6 na babae at 10 na lalaki. Sa pag-aaral na ito ang guro ang tuturo at kukuha ng mga datos na kakailanganin sa pananaliksik na ito at ang mga mananaliksik ang gagawa ng editoryal kartun batay sa banghay aralin ng guro. Ayon sa resulta ng aming pananaliksik bago ang interbensyon gamit ang editoryal kartun sa binasa sa labing-anim na mag-aaral, ang mga mag-aaral ay may kakayahan na unawain ang mga tekstong binasa, ngunit hindi pa gaano ka sapat na kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa upang malinang ang mas mataas na antas sa pag-unawa sa binabasa. Pagkatapos naman ng interbensyon ipinapakita na mainam at epektibong gamitin and editoryal kartun na biswal para mas madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang tekstong kanilang binabasa.
Description
Abstract only
Suggested Citation
Ano-os, M. R. A. E. & Encajonado, S. Q. (2024). Editoryal kartun bilang pantulong sa pagtuturo sa pag-unawa ng kaisipan sa binasa [Unpublished bachelor's thesis]. Central Philippine University.
Type
ThesisSubject(s)
Department
College of EducationDegree
Bachelor of Secondary Education major in FilipinoShelf Location
Filipiniana Theses 378.242 An787
Shelf Location
LB 2326.3 .A56 2024
Physical Description
viii, 80 leaves
