Paggamit ng visual aids sa paglinang ng binasang tula

Page views
292Date
2024-05Thesis Adviser
Defense Panel Chair
Share
Metadata
Show full item record
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay may layuning alamin ang epekto ng paggamit ng visual aids sa paglinang ng binasang tula ng 30 mag-aaral sa Ikatlong Baitang, Lungsod ng Iloilo, Taong-Panuruan 2023- 2024 na ginamitan ng purposive sampling. Ang ginamit sa kwantitatibong disenyo ng pananaliksik ay pre-experimental. Nagkaroon ng pretest at posttest sa pagtukoy ng antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa ng tula bago at pagkatapos gamitan ng visual aids. Gamit ang Wilcoxon Signed Rank Test ay natukoy ang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral bago at pagkatapos gamitan ng visual aids sa pagbasa ng tula. Mula sa dating may katamtamang (M=28.43) antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral bago gamitan ng visual aids ay tumaas at naging mahusay (M=38.55) ang resulta nito pagkatapos gamitan ng visual aids. Ito’y nangangahulugang epektibo ang paggamit ng visual aids sa paglinang ng pagbasa ng mga mag-aaral sa tula. Ang resulta ng pag-aaral ay nagpapatunay na may makabuluhang pagkakaiba sa antas ng literal, inperensyal, at kritikal na pag-unawa bago at pagkatapos ginamit ang visual aids sa pag-unawa sa binasang mga tula. Iminumungkahi ng pag-aaral na ito na patuloy na gamitin ang visual aids sa pagtuturo upang lalong malinang ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa elementarya.
Description
Abstract only
Suggested Citation
Albada, D., Lagos, M. A., & Sibuan R. J. S. (2024). Paggamit ng visual aids sa paglinang ng binasang tula [Unpublished bachelor's thesis]. Central Philippine University.
Type
ThesisSubject(s)
Department
College of EducationDegree
Bachelor of Secondary Education major in FilipinoShelf Location
Filipiniana Theses 378.242 Al132
Shelf Location
LB 2326.3 .A43 2024
Physical Description
viii, 170 leaves
