Показать сокращенную информацию

dc.contributor.adviserGangoso, Narissa G.
dc.contributor.authorSubere, Darlin S.
dc.date.accessioned2021-10-07T02:20:26Z
dc.date.available2021-10-07T02:20:26Z
dc.date.issued2006
dc.identifier.citationSubere, D. S. (2006). Pagbuo at paggamit ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat (Unpublished Master’s thesis). West Visayas State University, Iloilo City.en_US
dc.identifier.urihttps://hdl.handle.net/20.500.12852/1497
dc.descriptionAbstract onlyen_US
dc.description.abstractAng deskriptibong pag-aaral na ito ay may layuning mapatunayan ang bisa ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga kalahok ay 23 mag-aaral sa unang taon ng kursong Nursing, ikalawang semestre, taong panuruan 2005-2006 at kumukuha ng asignaturang Fil 3a- Pagbasa at Pagsulat sa Iba't ibang Disiplina sa Central Philippine University. Ang mga kagamitan sa pagtitipon ng mga datos sa pag-aaral na ito ay mga rubric para sa pagtataya sa kasanayan sa pagsulat at sa nabuong portfolio. Ginamit ang mean upang matiyak ang kahusayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang portfolio at upang matiyak ang kabisaan ng portfolio sa paglinang ng kanilang kasanayan sa pagsulat. Ginamit ang t-test upang malaman kung may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa pagsulat na ibinigay ng mga guro at ng mga mag-aaral sa kanilang sarili at kung may makabuluhang pagkakaiba ang kabisaan ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat na ibinigay ng mga guro at ng mga mag-aaral sa kanilang sarili na tinuos sa .05 level of significance. Pearson's r ang ginamit upang malaman kung may makabuluhang pagkakaugnay ang antas ng kahusayan sa pagsulat na ibinigay ng mga guro at ng mga mag-aaral sa kanilang sarili at kung may makabuluhang pagkakaugnay ang antas ng kabisaan ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat na ibinigay ng mga guro at ng mga mag-aaral sa kanilang sarili. Lumabas sa pagsusuri na mataas ang antas ng kahusayan sa pagsulat ng mga mag-aaral batay sa pagmamarka na ibinigay ng mga mag-aaral sa kanilang sarili gayundin sa pagmamarkang ibinigay ng Guro 1 at Guro 2. Napatunayan din sa pag-aaral na ito na napakabisa ng portfolio sa paglinang ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat batay sa pagmamarkang ibinigay ng mga mag-aaral sa kanilang sarili, Guro 1 at Guro 2. Kapwa may makabuluhang pagkakaiba ang pagmamarka sa antas ng kahusayan sa pagsulat na ibinigay ng mga mag-aaral sa kanilang sarili, Guro 1 at Guro 2 at ang antas ng "kabisaan ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat’ batay sa ibinigay na marka ng mga mg-aaral, Guro 1 at Guro 2. Samantala, kapwa may pagkakaugnay ang antas ng kahusayan sa pagsulat na ibinigay ng mga mag-aaral sa kanilang sarili, Guro 1 at Guro 2 at ang antas ng kabisaan ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat na ibinigay ng mga mag-aaral sa kanilang sarili, Guro 1 at Guro 2 ayon sa pagsusuring ginawa sa mga datos na nakalap.en_US
dc.format.extent152 leavesen_US
dc.language.isofilen_US
dc.subject.ddcGSL Theses 378.242 Su15en_US
dc.subject.lcshPortfolios in educationen_US
dc.subject.lcshWriting skillsen_US
dc.subject.lcshFilipino languageen_US
dc.subject.lcshFilipino language--Writingen_US
dc.titlePagbuo at paggamit ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulaten_US
dc.title.alternativeCreating and using portfolios in improving writing skillsen_US
dc.typeThesisen_US
dc.description.bibliographicalreferencesIncludes bibliographical referencesen_US
dc.contributor.chairEspina, Bibiana C.
dc.contributor.committeememberBasal, Fortunato J.
dc.contributor.committeememberQuintilla, Leny A.
dc.contributor.departmentGraduate Schoolen_US
dc.description.degreeMaster of Arts in Education (Filipino)en_US


Файлы в этом документе

Thumbnail

Данный элемент включен в следующие коллекции

Показать сокращенную информацию