Pagbuo at paggamit ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat
Page views
1,723Date
2006Author
Thesis Adviser
Defense Panel Chair
Share
Metadata
Show full item record
Abstract
Ang deskriptibong pag-aaral na ito ay may layuning mapatunayan ang bisa ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga kalahok ay 23 mag-aaral sa unang taon ng kursong Nursing, ikalawang semestre, taong panuruan 2005-2006 at kumukuha ng asignaturang Fil 3a- Pagbasa at Pagsulat sa Iba't ibang Disiplina sa Central Philippine University. Ang mga kagamitan sa pagtitipon ng mga datos sa pag-aaral na ito ay mga rubric para sa pagtataya sa kasanayan sa pagsulat at sa nabuong portfolio.
Ginamit ang mean upang matiyak ang kahusayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang portfolio at upang matiyak ang kabisaan ng portfolio sa paglinang ng kanilang kasanayan sa pagsulat. Ginamit ang t-test upang malaman kung may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahusayan sa pagsulat na ibinigay ng mga guro at ng mga mag-aaral sa kanilang sarili at kung may makabuluhang pagkakaiba ang kabisaan ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat na ibinigay ng mga guro at ng mga mag-aaral sa kanilang sarili na tinuos sa .05 level of significance.
Pearson's r ang ginamit upang malaman kung may makabuluhang pagkakaugnay ang antas ng kahusayan sa pagsulat na ibinigay ng mga guro at ng mga mag-aaral sa kanilang sarili at kung may makabuluhang pagkakaugnay ang antas ng kabisaan ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat na ibinigay ng mga guro at ng mga mag-aaral sa kanilang sarili.
Lumabas sa pagsusuri na mataas ang antas ng kahusayan sa pagsulat ng mga mag-aaral batay sa pagmamarka na ibinigay ng mga mag-aaral sa kanilang sarili gayundin sa pagmamarkang ibinigay ng Guro 1 at Guro 2. Napatunayan din sa pag-aaral na ito na napakabisa ng portfolio sa paglinang ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat batay sa pagmamarkang ibinigay ng mga mag-aaral sa kanilang sarili, Guro 1 at Guro 2.
Kapwa may makabuluhang pagkakaiba ang pagmamarka sa antas ng kahusayan sa pagsulat na ibinigay ng mga mag-aaral sa kanilang sarili, Guro 1 at Guro 2 at ang antas ng "kabisaan ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat’ batay sa ibinigay na marka ng mga mg-aaral, Guro 1 at Guro 2.
Samantala, kapwa may pagkakaugnay ang antas ng kahusayan sa pagsulat na ibinigay ng mga mag-aaral sa kanilang sarili, Guro 1 at Guro 2 at ang antas ng kabisaan ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat na ibinigay ng mga mag-aaral sa kanilang sarili, Guro 1 at Guro 2 ayon sa pagsusuring ginawa sa mga datos na nakalap.
Description
Abstract only
Suggested Citation
Subere, D. S. (2006). Pagbuo at paggamit ng portfolio sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat (Unpublished Master’s thesis). West Visayas State University, Iloilo City.
Type
ThesisSubject(s)
Department
Graduate SchoolDegree
Master of Arts in Education (Filipino)Shelf Location
GSL Theses 378.242 Su15
Physical Description
152 leaves
Collections
- Theses [18]