Pananaw ng mga kolehiyong estudyante sa Filipino bilang basikong asignatura sa Central Philippine University
요약
Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang pananaw ng mga kolehiyong estudyante sa Filipino bilang basikong asignatura sa Central Philippine University. Ang metodong ginamit ng mananaliksik ay palarawan. Ito'y naglalayong alamin ang katotohanan ukol sa kondisyon o ng relasyong umiiral, ang kasanayang nangingibabaw, mga paniniwala o opinyon na nararamdaman ng mga estudyante. Ang mga tagatugon ay mga estudyante sa kolehiyo na may basikong asignatura sa Filipino 2a sa unang semester ng taong 2002-2003 na may kabuuang bilang na isang- daan limampu't lima (155). Batay sa resulta ng pananalisik, ipinapakita na ang mga estudyante ay sang-ayon sa Filipino bilang basikong asignatura. Ipinapakitang walang katotohanan ang mga hindi magagandang pananaw ng mga estudyante sa nasabing asignatura at isang haka-haka lamang ang mga naririnig tungkol sa kanilang negatibong pananaw at walang ganang mag-aral sa nabanggit na asignatura. Ipinapakita ring hindi nila ipinagsawalang bahala ang wikang Filipino. Isang kongklusyon ang inihaharap ng pananaliksik na walang kaugnayang pagkakaiba sa pananaw ng mga estudyante sa Filipino 2a bilang basikong asignatura sa pagitan ng kanilang edad, uri ng paaralang napagtapusan ng hayskul, samantalang may kaugnayan naman sa pagitan ng pananaw at pelikulang pinapanood.
기술
Journal article
추천 인용
Do-oma, L. V. (2010). Pananaw ng mga kolehiyong estudyante sa Filipino bilang basikong asignatura sa Central Philippine University.유형
ArticleISSN
1908-515X주제
Collections
- Journal articles [11]
- Patubas [109]
다음 라이센스 파일이이 항목과 연관되어 있습니다.