Ang mga kabundukan ng Aklan at Antique sa pagbabalangkas ng programang panturismo
Request
Request a full text copyPage views
369Date
2015Share
Metadata
Afficher la notice complète
Résumé
Isa sa mga kalakaran sa kasalukuyan sa mga gawaing panturismo ang pambigay ng malaking tuon sa kultura at kapaligiran. Hindi na nga sapat ang simpleng pagbisita lamang ng mga turista sa isang lugar. Ang pagiging turista ay nangangahulugang pagbibigay-halaga, pag-aaral at malalim na pag-unawa sa lugar na binibisita. Mas nagiging kapana-panabik ang pagbisita ng isang turista sa lugar kung batid niya ang kahalagahang pangkasaysayan at pangkalinangan ng mga ito.
Para sa pagtalakay na ito, isa sa mga iminumungkahi ng mga mananaliksik na isama sa pagbabalangkas ng programang panturismo ang mga kabundukan ng mga lalawigan ng Aklan at Antique Masasabing kinakailangan ito sa kasalukuyan dahil ang malimit lamang na binibigyan ng tuon sa mga programa ay ang mga baybay dagat at dalampasigan na totoo ngang nakahihikayat ng maraming turista taon-taon.
May kakaibang pang-akit ang mga bundok ng dalawang lalawigan. Sa katunayan, bago pa man ang pagtatampok sa mga ito sa gawaing panturismo, lagi't lagi nang pinahahalagahan ng mga tao ang kabundukan ng dalawang lalawigan. Patunay dito ang kasunod na pagtalakay sa pagbalik sa mga talang pangkasaysayan na dapat isaalang-alang sa pagbabalangkas ng programang panturismo. English translation: One of the current trends in tourism activities is the provision of great focus on culture and environment. A simple visit is no longer enough for tourists in one place. Being a tourist means appreciation and study and deep understanding of the place being visited. A tourist's visit to the place becomes exciting if he knows the historical and cultural importance of the place.
For this discussion, one of the researchers suggests that include in the formulation of the tourism program the mountains of Aklan and Antique provinces. The only programs that are often given focus are the coastal areas and beaches that attract many tourists every year.
The mountains of the two provinces have different attractions. In fact, even before they were featured in the tourism industry, people have always appreciated the mountains of the two provinces. For developing a tourism program, the history of these places must be reviewed and discussed.
Description
Book chapter
Suggested Citation
Detaro, R. F. and Mahinay, V. I. (2015). Ang mga kabundukan ng Aklan at Antique sa pagbabalangkas ng programang panturismo. In Ubaldo, L. R. C. (Ed.). Shuntug: Mga kabundukan sa kasaysayan at kalingangang Pilipino (pp. 169-175). National Commission for Culture and the Arts.
Type
Book chapterISBN
9789718142141Sujet
Collections
- Book chapters [1]